Home

Previous 7

peace

what will happen next week

JULY 20 - Columban Method of Recruitment in San Felipe, OLA and St. Dominic Savio
                - Curia Meeting

JULY 21 - AAC Workday (i won't make it, again!) i have to attend, i think.

JULY 22 - Math 117 EXAM

JULY 25 - Math 197 EXAM moved next week thanks to 164 exam

JULY 26 - Math 164 EXAM

JULY 27 - Columban Recruitment in Divine Mercy and Sacred Heart

JULY 28 - Graduation Pictorial

*I still have my thesis to work on in between these dates and other deadlines to meet.

For all of these, thank you Lord! I trust in You.
pacute

the pressure is on

1. super lapit na ng columban method of recruitment. ilang araw na lang at july 20 na. hindi ko na kinakaya na dapat lahat ng members ready na sa pag-iimbita ng mga bagong members. marami pang kailangan gawin, tapusin at asikasuhin. kailangan talaga ng prayers at super support ng lahat. hay, Mama Mary hindi naman ninyo kami papabayaan 'di ba?

2. malayo na ang nararating ng pag-iintindi ko sa paper nila mr. melecky. may mga bagay lang na hindi ko talaga naaral gaya ng discrete dynamical system. o, sabi ko sa'yo hindi talaga natin iyan naaral eh. pero masaya talaga ako kasi pinagtitiyagaan kami ni sir. pwede naman kasi niya sabihin na "you can solve it this way" sabay bigay ng instructions tapos ikaw na bahala. pero sa mga nakalipas na meetings namin, kahit simple lang yung way, siya pa nagsosolve sa white board. pero hindi rin kasi mawala sa isip ko na ilang araw na lang at september na. basta, ajah pa rin sa thesis. ajah!

3. once a week lang meeting namin sa 164 kaya hindi ko masisi si sir na mabilis talaga dapat ang pace namin. hindi ko pa kasi makuha na magreview ng mga lessons every after meeting kaya kanina nung break, sinubukan kong intindihan mga nadiscuss namin sa chapter 4. hindi pa ko tapos kaya balak kong intindihin yung iba bukas. nararamdaman kong may quiz na naman kami bukas at gusto ko kahit kaunti may idea naman ako kung paano sasagutan yung may bonus questions.

4. ilang araw na itong bumabagabag sa akin. hindi ko nga alam kung bakit ko pa naiisip kasi alam ko ilang taon ko na itong binaon sa limot. tapos ngayon bumabalik. hindi ko alam kung dahil sa kape kaya hindi ako makatulog o kaya dahil sa magandang palabas sa tv. basta, hindi ko talaga ito maalis. hindi ito ang tamang panahon para paglaanan ng oras dahil mas marami pang importanteng bagay para dito. kaya sana memory, tama na, ok?

5. nakakalungkot talaga meeting namin sa seniors kanina. 3 kaming present tapos after ng spiritual reading, nagcatena agad kami. ayun, 8pm pa lang tapos na ang meeting. nakakalungkot kasi talaga kapag ganun eh. sana next meetings mas marami at may work na ang mga tao.

6. tinanong ako kanina nung classmate ko kung sino ba raw crush ko. tapos sabi ko siya pa rin. grabe talaga reaksyon niya. "siya pa rin? ang tagal na ha!" hay, kung alam mo lang friend. gusto ko na iuntog sarili ko para hindi ako kiligin tuwing nakikita ko siya. pero in fairness, may nasasabi na ko sa kanya. nung last time nga lang na nakatabi ko siya, oo lang ata naisagot ko sa tanong niya! ay basta, hanggang october. kung wala, wala. pero gusto ko na talaga batukan sarili ko nung napadaan ako sa laundromat. oo, epal ako kasi naaalala ko siya. sana naging magandang bading na rin ako gaya ni ralph! ralph, pahinging tips! nakailang shorts at skirt na ako pero hindi talaga gumana eh!
peace

nabawasan na ang pagiging loser

isang bagay kung bakit masasabing loser ako ay hindi pa ko nakakapanood ng live uaap basketball game ever. well not until today. kagabi, tinext ako ni isabel kung gusto ko raw sumama manood ng opening. nakabili siya ng 2 tickets, 150 each. syempre gusto ko talaga dahil 4th year na ko at nakakahiya talaga kung gagraduate ako ng hindi man lang yun naexperience. napag-usapan na namin ito nung day na dapat bibili kami ng lanyard na wala pala. 1pm yung start. alam kong hanggang 1pm class ko pero hindi ko inaasahan na magqquiz kami at mag-eextend! 

to cut the long story short, pagdating ko sa araneta, magsisimula na yung first game. tapos na yung opening na UP pa naman ang host. at oo, loser na ko talaga, walang UP basketball team na maglalaro ngayon dahil bukas pa sila nasked maglaro. ayun, buti na lang maganda laban nung 2 teams na naglaro.

lessons from this experience:
1. masaya manood ng live dahil sobrang buhay ang school spirit. sana next na nood ko mafeel ko yun habang pinapanood sariling team ko.

2. huwag mo na subukan sagutan yung bonus quiz lalo na kung hindi mo talaga forte ang magmanipulate ng formulas.

3. dapat talaga first year pa lang ginawa mo na toh! haha!

***

kagabi ko lang talaga pinagtuunan ng pansin assignment namin sa 164. nag-online ako saglit para magcheck ng mail at para maghanap ng mapagtatanungan. nagulat ako dahil may nag-pm sa akin ng "hehe :)." si sir pala! nagreact siya sa status ko na "not done with math 164 hw :(" ayun, napareply ako ng "promise sir ginagawa ko po talaga :)" sabi naman niya ayos lang. 

ang moral: bawal maglagay ng status na ganun kung friend mo yung teacher! hihi!
peace

to chuck bass

i was watching gossip girl earlier and thought of someone after watching the scene when chuck was talking to his father. i MIGHT have met Chuck Bass in my life. so Chuck, grow up.

peace

tagged by krisstella

RULES:
A. People who have been tagged must write their answers on their blogs and replace any question they dislike with a new question formulated by themselves. Tag 8 people. Those who are tagged cannot refuse.


B. These 8 people must state who they were tagged by. You cannot tag the person who tagged you. Continue this game by sending this to 8 other people.

1. If your lover betrayed you, what will your reaction be?
- kabetray-betray ba ko?! haha! if ever, baka makasapak na talaga ako. :)

2. What will you do if you do not share the same feelings as the person who likes you?
- hmm... sounds familiar. anyway, i'm the type of person who seeks the goodness of someone. so that would push me to like that person though not sure if that would equate to the feelings that the other person feels towards me. ewan!

3. What's your take on same-sex marriages?
- no comment.

4. Are you confused as to what lies ahead of you?
- very much! i don't know what will happen in the next few weeks!

5. What's your ideal lover like?
- super galing sa math, gentleman, family person, willing to learn new stuffs, macho, spiritual

6. Which is more blessed, loving someone or being loved by someone else?
- being loved!

7. If the person you like does not accept you, would you continue to wait for them to change their feelings?
- nope but i'm not stopping until october. joke! :)

8. If the person you secretly like is already attached, what would you do?
- let go and look for someone else

9. What recent event has made you unhappy?
- unhappy? hmm... last sunday's curia meeting! seriously!

10. What do you want most in life?
- be happy and use my life to the fullest

11. Is being tagged fun?
- ayos lang naman krisstella! :)

12. If you find out that your best friend is going out with your boyfriend/girlfriend, how would you react?
- magagalit syempre! but after that, i don't know.

13. Who is currently the most un-important person to you?
- hmm.. since we're watching pda, jet!

14. What kind of person do you think the person who tagged you is?
- dati tahimik pero pagkatapos kong mabasa sagot niya, ewan! haha! lang krisstella, love you! :)

15. Would you rather be single and rich or married and poor?
- kawawa naman mga anak ko kung poor kami. single and rich na lang siguro tapos tutulong sa iba. tapos 'pag pwede na, go for married life! haha!

16. If the person you secretly like cannot recognize you, what would you do/how would you react?
- ewan! basta, hanggang october! haha!

17. Would you give your all in a relationship?
- yeah but still leave something for myself

18. What's you're all time favorite song?
- hmm... can't fight the moonlight

19. What type of friends do you like?
- magulo, may sense, yung andyan palagi... the usual. basta kung tipong bibigay ka na, andyan para sumuporta

20. If you played a prank on someone, and he/she fell for the trick, what would you do?
- hihi! i don't know. it depends on the person and the thing i did.

tagged by krisstella

i tag angelo, jodi, janis, eka, ralph, loren, ate barbie, ritz

peace

to add or not to add

sa gitna ng paghahanda para sa 199 report ko bukas, may napulot na naman akong impormasyon bilang isang stalker. nalaman kong gumagana ang yahoo id ng crush ko. akala ko basta email address niya lang yun tapos hindi gumagamit ng messenger dahil hindi siya mahilig sa internet. anyway, hindi ito ang point ng entry ko.

hindi ko alam kung ia-add ko siya o hindi. nahihiya ako na ewan. hay!
lovely

pwede bang kiligin?

*warning: kung feeling mo ikaw ang tinutukoy ko, isipin mo na lang na hindi.

hindi ko na ito napost kagabi kasi late na ko umuwi at antok na talaga ako. kaya ngayon na lang ako magkkwento. bumaba ako mula sa math 150.1 class ko dahil break ko na at yung next class ko sa baba lang. nakasalubong ko si mark tapos nag-hi sa akin classmate ko. at dahil usisero si mark, bigla niyang sinabi "close kayo?" dun sa nag-hi. sumagot naman yung isa "hindi. bakit kayo?" ayun, sabi ni mark "oo, sobra!" pero hindi yan ang tinutukoy ng title ng entry na ito.

so tumabay muna ako sa may table sa first floor dahil gagawin ko yung report ko para sa 199 class namin the next day. sumama pa rin si mark dahil epal nga siya. at dahil andun na siya, nagtanong na rin ako kung alam niya yung sagot sa assignment ko sa 117. bakit siya ang tinatanong ko? well, favorite subject niya yun. tapos umalis siya para may itanong dun sa isa niyang classmate. may gusto raw siya iverify. anyway, ayun habang naghihintay kay mark at nagcocompute para sa 199 biglang dumating si bench at lumapit. matagal na kaming hindi nagkikita. tapos ayun, kwento-kwento. tungkol sa paggraduate ko "hopefully" ngayong sem, subjects, scientia... tapos dumating si mark. hindi siya agad lumapit pero pagkatapos ng ilang segundo biglang nagsalita "ay nakakaistorbo ata ako!" pero lumayo siya kaunti pero lumapit din ulit sa table. saglit na minuto pa, umalis na rin si bench dahil may class na siya (kainis!).

salamat talaga Lord! kakamention ko lang yun nung nagsimba ako nung tanghali tapos agad mong sinagot dasal ko. ayos lang po kung hindi siya umattend ng meeting pero sana naman tumuloy pa rin siya sa scientia.

nagtext na siya kanina. ngayon lang niya nalaman bago kong number ko. tapos ayun, kwento ng nangyari sa meeting. at nagrant na naman ni Papa God dasal ko. yehess! (pagbigyan na. hindi natin alam kung ano mangyayari sa mga susunod na buwan. gusto ko lang talaga mamaximize oras ko sa college! )

Previous 7